Sison: Kalusugan ni Pangulong Duterte, isang ‘public concern’

Iginiit ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison na ang physical at mental health condition ni Pangulong Rodrigo Duterte ay public interest at concern.

Ang pahayag ni Sison ay kasunod ng naging pahayag ni Magdalo Party-List Rep. Gary Alejano na ang pagpunta ni Duterte sa Israel ay may kinalaman sa kalusugan nito.

Dagdag pa ni Sison, magiging maganda kung masosolusyunan ng mga doktor sa Israel ang iniida nitong sakit sa spine na nagpapahina dito.

Aniya dapat isapubliko ng pangulo ang medical record nito bilang tugon sa public demand.

Ayon kay Sison hangad niya ang maayos na kalusagan ni Duterte para maharap aniya nito ang mga akusasyon laban sa kanya.

Read more...