Pope Francis, tahimik sa isyung hindi nito pagbibigay-pansin sa sexual abuse allegations laban sa isang cardinal

Hindi nagbigay ng komento si Pope Francis sa isyung hindi pagbibigay pansin nito sa ulat na sexual abuse allegations laban sa isang mataas na opisyal ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Archbishop Carlo Maria Vigano, dating Vatican envoy sa US, ay kanyang ipinagbigay-alam kay Pope Francis ang mga alegasyon laban kay US cardinal Theodore McCarrick noong 2013 pero hindi nito binigyang-pansin ang nasabing kaso.

Aniya imbes na parusahan ni Pope Francis si McCarrick na nagbitiw na noong nakaraang buwan ay tinanggal pa nito ang mga parusang una nang ipinatawa ni Pope Benedict XVI.

Ipinanawagan din ni Vigano ang pagbibitiw ng Santo Papa dahil dito.

Dagdag pa ni Vigano sa isang labing isang pahinang liham na nakalathala sa National Catholic Register and several conservative US Catholic publications ay nakarating na ang korapsiyon sa pinakamataas na posisyon ng Simbahang Katolika.

Read more...