Pasok ang dalawang Pinoy boxers na sina Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Parehong umabante ang dalawang Pinoy sa quarterfinals sa kani-kanilang mga division.
Kasunod ito ng lumiit na tiyansa na makakuha ng medalya ang Pilipinas sa boxing.
Nagawang matalo ni Marcial ang pambato ng Macau na si Kuok Kun Ng sa men’s 75-kg.
Habang nagawang manalo sa light flyweight ni Paalam kalaban si Powei Tu ng Chinese Taipei.
Sa kasalukuyan may tatlo nang pambato ang bansa sa quarters matapos magawa rin makapasok noong Linggo ng flyweight na si Rogen Ladon para tapusin na ang sunud-sunod na pagkatalo ng Pilipinas sa boxing sa Asian Games.
MOST READ
LATEST STORIES