D.A tututok sa pag-promote ng corn rice bilang pamalit sa bigas

Inquirer photo

Magbebenta na rin ang Department of Agriculture ng “corn rice” sa mga outlets ng National Food Authority (NFA).

Kinausap na ni Agriculture Sec. Manny Piñol grupo ng mga magsasaka sa Lanao Del Sur para dagdagan ang kanilang mga tanim na white corn.

Kumpara sa palay, sinabi ni Piñol na mas angkop sa uri ng lupain sa Mindanao ang white corn na sinasabing mas masustansya kumpara sa bigas.

Matagal nang itinutulak ng Department of Agriculture ang corn rice mix sa merkado dahil sa sustansyang maibibigay nito sa katawan.

Ipinaliwanag rin ni Piñol na mas mataas ang panganib na magkaroon ng diabetes ang isang tao sa madalas na pagkain ng kanin kumpara sa mais.

Ang paraan ng pagluluto ng corn rice ay madali lang at kahalintulad rin ng pagsasaing ng bigas ayon pa sa opisyal.

Bukod sa mas masustansya ay mainam rin ang corn rice sa mga nagbabawas ng timbang.

Kumpara sa kanin, mas matagal makaramdam ng pagkagutom ang mga kumakain ng corn rice ayon sa  registered nutritionist-dietician na si Luningning Caravana dahil ito ay mayroong mababang glycemic index food.

Idinagdag rin ni Piñol na mas madaling mahaba ang panahon na pwedeng iimbak ang mais kumpara sa bigas.

Read more...