Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Salvador Doy Leachon, pinuno ng komite, bibilisan nila ang pagdinig dahil marami pa silang prayoridad tulad ng panukalang budget sa taong 2019.
Ito rin ang gusto ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo upang hindi makasagabal ang impeachment sa mga legislative agenda ng Kamara.
Nais din ng mambabatas pagsamahin ang mga reklamong nakapaloob sa impeachment dahil magkaka-ugnay naman ito.
Iginiit naman ni Leachon na hindi masasakripisyo ang legalidad ng proseso ng impeachment proceedings.
Sa September 4 ganap na alas-nueve ng umaga sisimulan ng house panel ang pagdinig sa reklamo.