Ngayong ginugunita ang National Heroes Day, sinabi ng pangulo na maituturing na “everyday heroes” ang mga ordinaryong indibidwal na itinataguyod ang pamilya at ang komunidad.
Sa kaniyang mensahe, binigyang pagpupugay ng pangulo ang katapangan ng lahat ng lumaban para sa kalayaan ng bansa.
Hinikayat ng pangulo ang bawat isa na tularan ang kabayanihan ng mga nagsaksipisyo para sa kalayaan.
Binigyang pagkilala din ng pangulo ang mga sundalong nakipaglaban sa Marawi, mga pulis na nagpapanatili ng kapayapaan sa bansa, mga guro at mga OFWs.
Alas 8:00 ng umaga nang dumating sa Libingan ng mga Bayani ang pangulo para pangunahan ang selebrasyon.
Sa kaniyang pagdating pinagkalooban siya ng arrival honors.
Matapos naman ang pag-awit ng Lupang Hinirang ay pinangunahan ng pangulo ang wreath laying ceremony sa Tomb of the Unknown Soldier.