LOOK: Ilang flights kanselado ngayong araw, Aug. 27, dahil sa sama ng panahon

Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng CebGo na flights DG 6009/6010 Manila – Basco – Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Batanes.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

Read more...