Cagayan De Oro City niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Cagayan De Oro City, Misamis Oriental.

Naitala ang lindol sa 1 kilometer north west ng Cagayan De Oro City alas 6:49 ng umaga ng Lunes (Aug. 27).

May lalim na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol naitala ng Phivolcs ang Intensity II sa Cagayan De Oro City.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...