Construction worker arestado dahil sa pambubugbog sa Navotas City

Navotas City Police

Agad na naaresto ng mga pulis ang lalaking suspek sa pambubugbog sa Barangayh Trance 2, Navotas City.

Batay sa imbestigasyon ng Navotas City Police, binugbog ng suspek na si Rogelio Padillo, 45 taong gulang at isang construction helper si Clementre Mora, 42 taong gulang na isa namang welder.

Sinasabing naglalakad lamang si Mora sa Tanza Socialized Housing, hapon ng Linggo, nang bigla na lamang siyang lapitan ni Padillo at pinagbubugbog.

Matapos ang insidente ay kaagad na tumakas si Padillo, habang isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Mora, kung saan ito ay patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.

Sa isinagawang followup operation ng Navotas City Police PCP – 1 ay naaresto si Padillo.

Sa ngayon ay nakaditine ang suspek sa Navotas City Police PCP – 1 kung saan inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Read more...