Pangulong Duterte hindi papahuli ng buhay sa mga kalaban

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami ang kanyang kaaway dahil sa kanyang pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, kurapsyon, at iligal na droga.

Sa isang talumpati para sa mga sundalo sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu, sinabi ng pangulo na hindi siya magpapahuli ng buhay sa kanyang mga kaaway.

Dagdag pa nito, sakaling magkaroon ng problema ang eroplano niyang sinasakyan at mag-crash ito sa teritoryo ng kanyang mga kaaway, ay mas gugustuhin pa niyang magbaril na lamang sa kanyang sarili.

Ito aniya ang tanging opsyon kaysa mapatay siya ng kanyang mga kalaban.

Kaya naman nagpasalamat ang pangulo sa mga sundalo na patuloy na nagsusumikap upang protektahan ang buong bansa sa mga kaaway ng estado.

Read more...