12 putok ng baril narinig sa mass shooting sa Florida

AP

Hindi pa batid hanggang sa ngayon ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naganap na mass shooting sa Jacksonville, Florida.

Ayon sa mga otoridad, naganap ang pamamaril sa loob ng GLHF Game Bar na nagho-host ng isang live gaming tournament.

Sa ngayon ay hindi pa pinapangalanan ang gunman, na nasawi matapos barilin ng mga otoridad dahil sa insidente. Hindi pa malinaw sa ngayon kung mayroon bang kasabwat ang salarin, ngunit patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Ayon sa mga nakasakski sa insidente, bago magsimula ang live gaming tournament ay nakita nilang mayroong pulang laser dot sa dibdib ng ilang mga players. Makalipas ang ilang segundo ay isa isa nang nawala ang live feed ng mga gamers.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng karagdagang detalye ang mga otoridad tungkol sa insidente.

Read more...