National Heroes Day Celebration pangungunahan ni Pangulong Duterte

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon ng National Heroes Day ngayong araw.

Sa pahayag ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), sinabi nitong si Pangulong Duterte ang mangunguna sa flag-raising at wreath laying ceremonies sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Magaganap ito mamayang alas-8:00 ng umaga.

Ang wreath laying rites ay gaganapin sa Tomb of the Unknown Soldier.

Isang commemorative program na may temang ‘Sakripisyo ng Bayaning Pilipino, Handog sa Bayan ay Pagbabago’ ang inihanda ng NHCP sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, at non-government organizations.

Isang invocation naman ang pangungunahan ni Armed Forces of the Philippines Chief Chaplain Commodore Tirso A Dolina na susundan ng welcome remarks ni Taguig City Mayor Maria Laarni Lopez-Cayetano.

Matapos ito ay inaasahan na magbibigay ng kanyang talumpati si Pangulong Duterte.

Ang selebrasyon ng Araw ng mga Bayani ay itinakda ng batas upang bigyang-pugay ang kabayanihan ng lahat ng mag Filipino na nakipaglaban para sa bansa.

Read more...