Ito ay dulot pa rin ng southwest monsoon o habagat na pinaigting ng Bagyong Luis.
Kinilala ang isang biktima na si Ernesto Manzano, mangingisda at residente ng Baranagay Gabut Sur sa Badoc.
Natagpuan nang walang buhay si Manzano sa isang talahibahan, Sabado ng umaga, matapos tumigil ang malakas na ulan noong Biyernes.
Ngunit batay sa suri ng doktor, hypothermia o sobrang gininaw ang naging sanhi ng pagkamatay nito.
Hinala ng mga kaanak, tinangkang tignan ni Manzano ang mga inaalagaang tilapia sa kasagsagan ng ulan.
Samantala, namatay naman ang isang caretaker ng isang sakahan na si Emmanuel Ubibi sa Barangay Bugayong, Nueva Era.
Ayon kay Sr. Insp. Gerardo Mabini, hepe ng Nueva Era Police Station, natabunan ang biktima ng gumuhong lupa galing sa isang bundok.
Sinubukan pa anilang iligtas ang biktima ng dalawang katrabaho nito ngunit na-trap na ito.
Naitakbo pa sa ospital si Ubibi ngunit kalaunan ay idineklara ring dead-on-arrival.