Ex-councilor, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Isabela

Inquirer file photo

Patay ang isang dating councilor makaraang barilin ng riding-in-tandem sa Tumauini, Isabela.

Binaril ng maraming beses ng dalawang lalaki ang biktimang si Pepe Baccay, 47-anyos, sa bahagi ng Barangay Pilitan, Sabado ng hapon.

Sakay ng kaniyang motorsiklo, papunta sana si Baccay sa isang sabungan nang biglang harangin ng mga suspek bandang 1:45 ng hapon.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa morge ng Trumauini Community Hospital para sa isasagawang autopsy.

Sa ngayon, hindi pa kilala ang mga nasa likod ng pagpaslang.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa pamamaril.

Read more...