Hinamon ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na samahan si Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim din sa medical check-up.
Sa opening program ng North Cotabato founding anniversary, Sabado ng hapon, sinabi ni Go na samahan si Duterte para malaman kung sino sa kanilang dalawa ang malusog ang pangangatawan.
Matatandaang sinabi ni Sison na may sakit ang Punong Ehekutibo at hindi na kayang gampanan ang tungkulin sa bansa.
Pagtitiyak pa ni Go, matatapos ni Duterte ang kaniyang termino bilang pangulo ng bansa.
Dagdag pa nito, makakasama pa aniya si Duterte sa Presidential party matapos kwestiyunin ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang kondisyon nito.