Sharon Cuneta at mga anak, kinantahan si Kiko Pangilinan sa kaniyang 55th birthday

Photo courtesy: Sharon Cuneta’s Instagram account

Inalayan ng kanta ng kaniyang pamilya si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa kaniyang ika-55 kaarawan noong Biyernes, August 24.

Kumpletong nagsalo-salo ang pamilya ng hapunan kabilang ang asawang si Megastar Sharon Cuneta at mga anak na sina KC Concepsion, Frankie, Miel at Miguel Pangilinan.

Sa Instagram account ni Sharon, nag-post ito ng larawan at video kung saan makikitang magkasamang kumanta sina Frankie at Miel ng “Little Things” ng One Direction habang tumutugtog ng gitara si Frankie.

Maliban dito, kinanta rin ni Frankie ang “You Know I’m No Good” ni Amy Winehouse at ang kaniyang orihinal na kantang “Starlight.”

Samantala, sumama rin si jamming ang senador at kumanta ng “You’ve Lost That Lovin Feeling” ng Righteous Brothers.”

Read more...