Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Davao Occidental, Linggo ng hapon.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 157 kilometers South ng Sarangani dakong 3:14 ng hapon.
May lalim ang lindol na 3 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES