2 bahay sa Misamis Oriental, nasunog

Tinupok ng apoy ang dalawang bahay sa isang barangay sa Misamis Oriental, Linggo ng madaling-araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog sa linya ng kuryente mula sa ikalawang palapag ng bahay ni Leo Cabillan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Initao.

Nagsimula ang sunog bandang 12:35 ng madaling-araw at naapula dakong 1:25 ng madaling-araw.

Dahil dito, nasunog din ang katabing bahay ng pamilya ni Richard Sabellina.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Gayunman, walang napaulat na nasugatan sa sunog.

Umabot naman sa P120,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa lugar.

Read more...