Ito ang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo laban sa Islamic State at Al-Qaeda terror groups.
Sa kaniyang talumpati sa Camp Teodulfo Bautista Headquarters sa Jolo, Sulu nitong Sabado, ipinangako ni Duterte na buo ang kaniyang suporta sa mga ikakasang operasyon ng militar.
Aniya, ang tanging alam lang ng mga teroristang grupo ay pumatay at sumira sa bansa.
Bilin pa ni Duterte sa mga sundalo, huwag susuko sa mga rebelde.
Aniya, kaya niya binigyan ng side arms ang mga ito ay para lumaban.
Pinaalalahanan pa ng Punong Ehekutibo ang mga sundalo na huwag magpapahuli sa mga terorista nang buhay dahil makararanas aniya ng torture.
Bumisita si Duterte sa naturang lalawigan para gawaran ang 21 sugatang sundalo ng Order of Lapu-lapu, tulong-pinansyal, cellphone, relo at gun certificate.
Nasugatan ang mga sundalo makaraan ang kabi-kabilang bakbakan kontra sa mga rebeldeng grupo sa Sulu.