Nadagdagan pa ang Pilipinas ng dalawang bronze medal sa 2018 Asian Games.
Ito ay matapos masungkit ng Filipino athletes na sina Dines Dumaan at Jefferson Rhey Loon sa pencak silat.
Ang pencak silat ay ilang uri ng martial arts na sikat at nanggaling sa Indonesia.
Natalo si Dumalo kontra kay Muhammad Faizal M Nasir ng Malaysia sa iskor na 5-0 sa men’s Class D ng 50 to 55 kilograms category.
Hindi rin nagwagi si Loon kontra naman kay Vietnamese player Nguyen Ngoc Toan sa kaparekong iskor sa men’s Class D para naman sa 60 to 65 kilograms division.
Sa ngayon, mayroon ng siyam na bronze medal at isang gold medal ang Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES