LOOK: Pagtalaga kay De Castro bilang SC chief justice, hindi bayad sa utang na loob

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na hindi bayad sa utang na loob ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chief Justice Teresita de Castro kapalit ng napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, walang saysay ang mga akusasyon dahil pinanatili ng pangulo ang judicial professionalism sa pamamagitan ng pagtatalaga ng pinaka-senior sa aspirants.

Sinabi pa ni Roque na hindi maikakaila na mas malawak ang karanasan ni de Castro kumpara kay Sereno.

Mananatiling punong mahistrado si de Castro nang 41 araw lamang dahil sasapit na siya sa mandatory age retirement na 70 gulang sa Oktubre 8.

Read more...