Pinakamaraming bilang ng rape cases sa 2nd quarter ng 2018, naitala sa Davao

Naitala sa Davao City ang pinakamaraming bilang ng rape cases sa bansa.

Batay sa datos ng Philippine National Police-Directorate for Investigation and Detective Management (PNP-DIDM), nanguna ang Davao sa bilang na 42 sa ikalawang bahagi ng 2018.

Ayon sa PNP, karamihan sa mga naitalang kaso ng rape ay nangyari sa loob ng bahay kung saan pinakamahina ang police control.

Pumangalawa naman sa listahan ang Quezon City na may 41 na kaso, ikatlo ang Manila sa 32 na kaso, sumunod ang Cagayan de Oro na may 24 na kaso at pang-lima ang Zamboanga City na may 21 na kaso.

Sa ngayon, wala pang komento si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa naturang ulat.

Read more...