Ito ay dahil sa sasapit na si De Castro sa mandatory retirement age sa mga justice na 70 taong gulang.
Ayon sa source sa Palasyo ng Malakanyang, bago pa man nagsumite ng shortlist ang Judicial and Bar Council (JBC), napili na ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Castro na pumalit sa puwesto nang napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon pa sa source, seniority ang naging basehan ng pangulo sa pagpili ng bagong punong mahistrado.
Si De Castro ang makapagtatala sa kasaysayan sa bansa na may pinakamaiksing termino bilang punong mahistrado.
Tatalunin ni De Castro ang record ni dating Chief Justice Pedro Yap na nakapagsilbi lamang ng 75 araw mula noong April18 hanggang June 30, 1988.