LOOK: Ilang flights sa NAIA, kanselado

Credit: MIAA Facebook page

Kinansela ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Linggo, August 26.

Sa abiso ng Manila International Airport (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon.

Kanselado ang dalawang Cebu Pacific flights na 5J 504 at 505 na biyaheng Manila -Tuguegarao – Manila.

Dahil dito, pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking at refund ng kanilang ticket.

Read more...