Dose-dosena ang sugatan makaraang tumama ang magnitude 6 na lindol sa kanlurang bahagi ng Iraq, Linggo ng umaga.
Sa kabuuan, pumalo na sa 58 katao ang napaulat na sugatan mula sa iba’t ibang lugar.
Batay sa ulat, naitala ang episentro ng lindol sa layong 26 kilometers southwest ng Javanrud sa probinsya ng Kermanshah.
Ayon sa US Geological Survey, malapit ito kung saang niyanig ng malakas na lindol ang naturang bansa noong nakaraang taon kung saan umabot sa 620 katao ang nasawi.
Ayon naman sa local medical university, namatay ang isang 70-anyos na lalaki matapos atakihin sa puso sa bayan ng Novosbad.
Sa ngayon, sinabi ng opisyal mula sa Salas Babajani na nakaalerto na ang relief forces sa lugar.
Inihahanda na rin ang mga crisis center sa Javanrud para sa isasagawang emergency operations.