1 patay, 3 sugatan sa banggaan sa Quezon

Patay ang motorcycle rider habang sugatan naman ang tatlong iba pa sa naganap na aksidente sa Infanta, Quezon.

Ayon kay Infanta police Chief Insp. Lowell Atienza, aksidenteng nabangga ng motorcycle rider na si Joselito Macaranas si Adena Opatorio, 62-anyos, habang binabagtas ang national road ng Barangay Banugao bandang 7:30, Sabado ng gabi.

Dahil dito, tumalsik si Macaranas kasama ang dalawang sakay na sina Jhay-Jhay Gaspar at Mhielverth Francia na nagtamo ng matinding injuries.

Ayon kay Atienza, hindi nakasuot ng helmet ang mga biktima.

Agad namang dinala ang mga biktima sa Claro M. Recto Memorial District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival si Macaranas.

Sa ngayon, nananatili naman ang tatlong sugatan sa naturang ospital.

Read more...