117 repatriated OFWs mula Dubai darating ngayong araw sa bansa – DFA

Photo courtesy of DFA

Sasalubungin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong araw (August 26) ang 117 overseas Filipino workers (OFW) mula Dubai.

Ang mga OFWs na ito ay ang mga nag-avail sa amnesty program ng gobyerno ng United Arab Emirates.

Inasahang darating ang mga pinoy workers sa Maynila bandang alas-9:25 ng umaga sakay ng Philippine Airlines Flight 659 kasama ni Philippine Consulate General in Dubai vice consul Elizabeth Picar Ramos.

Ayon sa DFA, sinagot nito ang gastos sa pagpapauwi sa mga OFWs bukod pa sa matatanggap na P5,000 na financial assistance pagdating sa Maynila.

Nauna nang nakauwi ang 100 migrant workers sa Pilipinas noong August 16.

Hinihikayat ng Philippine Embassy sa Dubai ang mga Filipino workers sa UAE na iligal na nagtatrabaho na i-avail ang amnesty program ng gobyerno.

Matatapos ang amnesty program sa October 31.

Read more...