Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng oil products.
Sa abiso ng industry sources maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 ang dagdag sa kada litro ng diesel.
Ang presyo naman ng kada litro ng gasolina ay may P0.10 hanggang P0.20 na dagdag.
Samantala, inaasahang matatapyasan naman ang presyo ng kada litro ng kerosene o gaas sa P0.40 hanggang P0.50.
Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad tuwing Martes.
Epektibo naman mula kahapon, August 25, nagpatupad ang Shell ng P0.25 na diskwento sa diesel para sa mga public utility jeepneys (PUJs).
Maa-avail ang dagdag diskwento sa mahigit kalahati ng bilang ng gas stations ng Shell sa buong bansa.