M3.7 na lindol naitala sa Eastern Samar at Surigao del Sur

Niyanig ng parehong may lakas na magnitude 3.7 na mga lindol ang Eastern Samar at Surigao del Sur madaling araw ng Linggo.

Sa impormasyon ng Phivolcs, unang naitala ang lindol alas-12:32 sa Eastern Samar.

Ang episentro ay naitala sa 50 kilometro Hilagang-Silangan ng Guiuan.

May lalim lamang itong isang kilometro.

Ala-1:08 naman nang maitala ang lindol sa layong 38 kilometro Hilagang-Silangan ng Bislig City sa Surigao del Sur.

May lalim itong 50 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...