Tinupok ng apoy ang 10 bahay sa San Andres Bukid sa Maynila Sabado ng Gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)- Manila, nagsimula ang sunog alas-7:30 ng gabi sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Rolando Satok.
Agad namang nakaresponde ang mga pamatay sunog kaya’t agad na naapula ito alas-8:11 ng gabi.
Umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog ngunit nasa 15 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Ayon sa Philippine Red Cross (PRC) Port Area ay dalawang indibidwal ang nasugatan sa insidente na agad naman nilang nabigyang lunas.
Tinatayang nasa P150,000 ang naitalang pinsala dahil sa sunog.
MOST READ
LATEST STORIES