Tinawag ni Pangilinan na ‘Endo CJ’ ang bagong punong mahistrado dahil sa ikli lamang ng magiging panunungkulan nito.
Hanggang October 10 lamang makakapagsilbi bilang CJ si De Castro dahil ito ay malapit na itong maging 70 years old, na mandatory retirement age para sa mga mahistrado.
Ayon kay Pangilinan na siya ring pangulo ng Liberal Party, hindi makatutulong ang appointment kay De Castro sa pagpapalakas sa batas.
Tanong ng senador kung ano ang kabutihang maidudulot nito sa bayan at kung ano ang halaga ng aksyong ito.
MOST READ
LATEST STORIES