Pahayag ni Albayalde sa crime rate ng Naga, hindi tinanggap ni Robredo

Leni Robredo Twitter

Binuweltahan ni Vice President Leni Robredo ang naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na ikalima ang Naga City sa may pinakamataas na crime rate sa Pilipinas.

Gamit ang kaniyang Twitter account, sinabi ni Robredo na “totally unacceptable” ang inilabas na impormasyon ni Albayalde.

Aniya, itigilan na ang mga residente at ang kanilang lugar mula sa ipinakakalat na mga maling impormasyon.

Sa hiwalay pang tweet, iginiit ni Robredo na ang totoo, ika-34 ang lalawigan sa murder, ika-24 at 26 sa homicide, ika-29 sa rape, ika-11 sa robbery at ika-6 sa theft.

Inilabas ni Albayalde ang naturang pahayag matapos sabihin ni Duterte na “hotbed” ng shabu ang Naga City.

Samantala, mula sa datos ng Crime Research and Analysis Center ng PNP Directorate for Investigation and Detection Management, isiniwalat na mayroong 273.85 na average monthly crime rate ang naturang lalawigan.

Read more...