“Black Panther” suit ni Serena Williams, pagbabawalan sa 2019 French Open

AFP PHOTO / CHRISTOPHE SIMON

Pagbabawalan na ang “Black Panther” catsuit ni American tennis star player Serena Williams ng 2019 French Open.

Ayon kay French Tennis Federation (FFT) president Bernard Giudicelli, ang naturang outfit ay hindi angkop o masyadong takaw-pansin sa nasabing torneo.

Giit ni Giudicelli, dapat respetuhin ang limitasyon sa laro at sa lugar.

Nitong nagdaang taon, sinuot ng 36-anyos na tennis player ang body-hugging outfit.

Ayon kay Williams, “fun and functional” ang naturang sport outift para sa kanya at
pakiramdam pa niya ay isa siyang warrior princess dito.

Maliban dito, nakakatulong din aniya ito para maiwasang bumalik ang blood clots na nagdala sa kaniya sa panganip noong nakaraang taon.

Read more...