Nais ni blockbuster director Cathy Garcia-Molina na si award-winning actor John Lloyd Cruz ang makasama sa kaniyang huling gagawing peklikula.
Naibahagi kasi ni Direk Cathy na posible siyang magretiro sa taong 2019.
Aniya, hindi pa nito tiyak kung handa si John Lloyd sa kaniyang plano.
Sinabi pa ni Molina na susubukan niyang kumbinsihin si John Lloyd sa susunod na taon.
Samantala, mayroon na lang aniya siyang tatlong pelikula bago magpaalam sa film industry.
Nakatakdang magsimula ang showing ng “The Hows of Us” na kaniyang ikaapat mula sa huling pelikula.
Aniya, makakasama niya sa kaniyang susunod na pelikula sina Megastar Sharon Cuneta at Richard Gomez.
Habang naipangako naman aniya niya na ang kaniyang pangalawa sa huling pelikula ay pagbibidahan ni Kapamilya hunk Piolo Pascual.