Halos 40,000 Rohingya refugees, nag-rally sa anibersaryo ng military crackdown

Galit na nagkasa ng kilos-protesta ang libu-libong Rohingya refugees sa unang anibersaryo ng military crackdown sa Myanmar.

Ayon kay police chief Abul Khair, umabot sa 40,000 na refugees ang nakiisa sa martsa sa mga kampo.

Inaalala ng mga raliyista ang mga brutal na pagpatay at panggagahasa.

Dahil dito, higit 740,000 na Rohingya nagtungo sa Bangladesh dahil sa kaguluhan sa Rakhine state mula 2016.

Isinigaw ng mga raliyista ang “We are Rohingya, we want justice” at may bandera na may katagang “Never Again: Rohingya Genocide Remembrance Day. 25 August 2018.”

Sa ibang parte namang ng kampo, libu-libong kababaihan at kabataan ang nagmartsa sa malaking poster na “365 days of crying. Now I am angry.”

Read more...