LOOK: Ilang flights sa NAIA, kanselado

Photo by: MIAA

Kinansela ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) ngayong araw ng Sabado, August 25.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon sa bansa.

Kinansela ang flights ng CebGo DG 6009 at 6010 na biyaheng Manila – Basco – Manila.

Dahil dito, pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking at refund ng kanilang ticket.

Read more...