De Lima, maglulunsad ng bagong libro kasunod ng ika-59 kaarawan

Ilalabas na ni Senadora Leila De Lima ang kanyang ikalawang libro bukas, araw ng Linggo.

Ito ay kasunod ng kaniyang ika-59 kaarawan sa Lunes, August 27, na ipagdiriwang sa loob sa ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni De Lima ang kaniyang libro na pinamagatang “Fight for Freedom and Other Writings” ay alay para sa mga Pilipinong naniniwala sa kaniyang aniya’y “unjust detention” at sa mga nais na siya ay makalaya.

Sa dedication page ng libro, isinaad ng senadora na hindi siya titigil sa paglaban sa kabila ng pagkakakulong.

Ayon pa kay De Lima, ang naturang libro ay koleksyon ng mga sulat at talumpati tungkol sa kaniya kabilang ang mga isinulat ni Vice President Leni Robredo at iba pang personalidad.

Gayunman, hindi naman maaaring makadalo ang senadora sa paglulunsad ng libro sa Sagul Malingap Food Park sa loob ng Teacher’s Village sa Quezon City.

Matatandaang inilunsad ang kaniyang unang libro na “Dispatches in Crame” noong February 2018 para sa kaniyang unang taon na pagkakakulong.

Read more...