Councilor sa Eastern Samar, patay sa ambush

Patay sa pamamaril ang isang councilor sa Eastern Samar, Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, binaril ang biktima na si Antonio Arbis, councilor ng bayan ng Mercedes, ng hindi pa nakikilalang suspek dakong 12:04 ng madaling-araw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, binaril ng suspek ang 45-anyos na councilor sa ulo habang nanonood ng isang event sa kasagsagan ng bisperas ng piyesta sa Barangay Sung-an.

Matapos barilin si Arbis, agad natakas ang suspek.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead-on-arrival.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad para alamin ang motibo sa pagpaslang kay Arbis.

Read more...