Wala pang Pinoy na naaapektuhan ng Hurricane Lane – DFA

NOAA

Wala pang Pilipino na matinding naapektuhan ng malakas na bagyo na tumama sa Hawaii.

Sinabi ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) base sa pinakahuling ulat na natatanggap ng Philippine Consulate General sa Honolulu.

Sa ngayon, patuloy na nakatutok ang DFA sa sitwasyon ng 375,000 miyembro ng Filipino community sa Hawaii sa harap ng pananalasa ng Huricane Lane.

Ayon kay Consul General Joselito Jimeno, nakikipag-ugnayan sila sa mga lider ng Filipino community sa mga isla ng Kona, Hilo, Maui at Kauai at sa report nito, wala pang Pilipinong sinalanta ng pagbaha at landslides.

Gayunman, may ilang Pinoy mula sa Pier 7 ang ini-relocate sa mas ligtas na lugar.

Pinapayuhan din ng consulate general ang Filipino community sa Hawaii na manatiling mapagmatyag kahit na ibinaba na sa category 1 ang Hurricane Lane.

Read more...