Jay Sonza sa PCOO: “Wala akong alam dyan” – Sara Duterte

Nilinaw ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi totoong itinutulak niya ang pangalan ng dating brodkaster na si Jay Sonza bilang bagong pinuno ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sa kanyang official statement na ipinadala sa ilang miyembro ng media sa Davao City, sinabi ni Duterte-Carpio na kahit kailan ay hindi niya nakakausap si Sonza hingil sa nasabing isyu.

Wala rin umano siyang maalalang pagkakataon na napag-usapan ang pagtatalaga kay Sonza sa PCOO.

Nauna nang kumalat sa social media na ang alkalde umano ang backer ni Sonza para makuha ang posisyon ni PCOO Sec. Martin Andanar.

Lumabas rin ang ilang ulat na ililipat sa ibang tanggapan sa pamahalaan ang kasalukuyang pinuno ng PCOO.

“Hello. I am not aware that Mr. Sonza is seeking a PCOO post. I’m not sure if I have ever met him, I cannot remember any meeting whether casual or official. But I know he is very close to PRD,” ayon sa alkalde.

 

Read more...