Miss Granny ni Sarah G., isang box office hit

Matagumpay ang unang dalawang araw ng showing ng pelikulang ‘Miss Granny’ sa mga sinehan.

Ang naturang pelikula ay Filipino Adaptation ng pelikulang may kaparehong pamagat mula sa South Korea.

Sa anunsyo ng Viva Films, umabot sa P13.8 milyon ang kinita ng pelikulang ito sa unang dalawang araw pa lamang sa mga sinehan.

Pinagbibidahan ito ni Sarah Geronimo na nakatatanggap ng magagandang komento sa itinuturing na pinakamahirap niyang movie project sa ngayon.

Ani Sarah, bukod sa magandang kita ng kanyang pelikula ay masaya na siya sa good reviews para rito.

Iginiit ng singer-actress na ibig sabihin lamang nito ay nabigyan niya ng hustisya ang kanyang role.

Dahil sa tagumpay sa takilya, isang victory party ang idinaos na dinaluhan din ng mga miyembro ng main cast tulad nina Nova Villa, James Reid at Xian Lim.

Read more...