Inaasahan kasing unti-unti nang babalik ang mga residente sa kanilang mga bahay.
Gayunman, ayon kay Kerala government spokesman Subhash TV maraming ahas ang namataan sa mga bahay na lumubog sa baha.
Dahil dito ay kailangan anyang maging alerto ang mga residente sa pagbabalik nila sa kanilang mga bahay.
Sa ulat ng mga local media, posibleng nagtatago ang mga ahas sa ilalim ng carpet, sa mga damit o hindi kaya ay sa ilalim ng mga washing machines.
Inatasan na rin ang mga ospital na maghanda ng mga anti-venom medicines at tugunan ang pangangailangan ng mga makakagat ng ahas.
Iniulat na rin ng mga local media na maraming ospital sa mga lugar na lubhang binaha ang nakapagtala na ng pagtaas sa kaos ng mga snake bite victims.
Nananatiling nasa isang milyong katao ang naglalagi sa evacuation centers bagaman unti-unti nang humuhupa ang baha.