Ito’y dahil ibinasura ng korte ang Omnibus Motion for Bills of Particulars and Defer Arraignment, na inihain ni Andaya.
Maliban dito, tinanggihan na rin ng anti-graft court ang Motion to Quash nina Napoles at Pangandaman.
Nahaharap sa 97-counts ng kasong katiwalian at Malversation thru Falsification of documents sina Andaya, Pangandaman, Napoles at dalawampu’t dalawang iba pa, kaugnay sa Malampaya fund scam.
Batay sa prosekusyon, ilegal na inilipat ng mga nabanggit sa labing dalawang bogus NGOs ni Napoles ang P900 million na pondo ng Malampaya, na laan dapat sa Department of Agrarian Reform para sa ibang proyekto.
Gagamitin sana ang budget sa relief operations at rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ondoy at Pepeng.