Kinilala ang suspek na si Janette Alano Tulagan, na dating flight attendant ng Saudi Arabian Airlines base sa kaniyang account sa Linked in.
Sa bisa ng isang warrant of arrest ay nahuli si Tulagan sa kanyang bahay sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.
Ayon kay Chief Insp. Artemio Cinco Jr., tagapagsalita ng PNP-ACG, nagpadala umano ng bomb threat si Tulagan sa email ng mga airline company.
Isa aniya sa mga airline company na nagreklamo ay nakatanggap ng mensahe mula sa email address na abubakarsahid@yahoo.com, kung saan nakasaad “Allah Hu Akbar! All flights Manila to Kuala Lumpur, Malaysia will have a bomb on board on July 13.”
Humingi ng tulong ang airline company sa PNP-ACG para matunton ang IP address ng nagpadala ng email.
Nadiskubre na sa mismong cellphone ni Tulagan ang ginamit sa pagpapadala ng email.
Kinumpiska na ang naturang cellphone ng suspek, na gagamitin bilang ebidensya sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law.