Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na napasok ng magnanakaw ang tinutuluyang hotel rooms ng mga Pinoy sa Meccah, Saudi Arabia.
Ayon sa DFA, nagpadala na ng team ang Philippine Embassy sa Riyadh para tulungan ang mga Filipino hajj pilgrims na nanakawan.
Sinabi ng DFA na tinulungan ng embahada ang mga Pinoy na ireport sa pulis ang nangyari at makakuha ng karampatang kompensasyon mula sa hotel management.
Ayon kay Ambassador Adnan V. Alonto pinasok ng hindi pa nakilalang mga magnanakaw limang kwarto at pinagkukuha ang gamit ng mga Filipino pilgrims.
Sa pahayag ng National Commission on Muslim Filipino (NCMF) umabot sa P574,000 na halaga ng cash at mga gamit ang natangay.
Nagkaroon na umano ng amicable settlement sa pagitan ng mga biktima at ng hotel owner at binayaran ang halaga ng mga nakuha sa mga Pinoy.