Number coding scheme suspendido mula Oct. 30 hanggang Nov. 1

plaka1
Inquirer file photo

Suspendido simula October 30 hanggang November 1 ang pagpapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng number coding scheme.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni MMDA officer-in-charge Emerson Carlos na sinuspinde nila ang number coding para mabigyan ng laya ang lahat ng mga motorista na magamit ang kani-kanilang mga sasakyan sa nasabing mga araw para makadalaw sa mga sementeryo.

Pero paglilinaw ni Carlos, sa Lunes November 2 ay balik na sila sa pagpapatupad ng number coding sa kalakhang Maynila.

Pero bilang kunsiderasyon sa mga biyahero, suspended pa rin sa November 2 ang number coding para sa mga provincial buses dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero pabalik ng Metro Manila.

Simula naman bukas ay magde-deploy na ng dagdag na pwersa ang MMDA sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila bukod pa sa mga malalaking shopping malls.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba’t ibang mga local government units kaugnay naman sa mga traffic re-routing na gagawin sa mismong araw ng undas.

Read more...