Haze-free na ang bansa ayon sa PAGASA-DOST

Manila-bay-sunset
Inquirer file photo

Idineklara na ng PAGASA na haze-free na ang buong bansa base sa kanilang satellite wind tracking system at visibility observations sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi ni Department of Science and Technology Asec. Raymund Liboro na malinis na sa usok mula sa forest fire sa Indonesia ang kabuuan ng himpapawid ng Pilipinas.

Ayon kay Liboro,“ang haze na nakaapekto sa mga bayan sa Mindanao at Visayas ay resulta ng pagpasok ng nakaraang bagyong Lando na siyang nagpabago sa direksyon ng hangin mula noong ika-14 hanggang ika-24 ng Oktubre ngayong taon”.

Nilinaw rin ng nasabing opisyal na normal ang atmospheric conditins n gating kalawakan base sa mga nakukuha nilang impormasyon sa kanilang mga tanggapan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dagdag pa ng opisyal, “hindi inaasahang manunumbalik ang tinatawag na trans-boundary haze mula sa Indonesia dahil wala pang namamataan na weather system tulad ng isang malakas na bagyong maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility na maaaring magpabago muli sa pangkalahatang direksyon ng hangin”.

Noong isang linggo lang ay ilang flights ng eroplano ang naapektuhan ng haze makaraan itong ma-monitor sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas region.

Dalawa rin ang nai-report na patay makaraang atakehin ng hika dahil sa haze sa General Santos City.

 

Read more...