Tumanggi si National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Guillermo Eleazar na dalhin sa ospital ang negosyante na si Arnold Padilla, na nag-viral kamakailan sa pambubully sa mga traffic enforcer sa Makati City.
Ito’y kahit pa masama raw ang pakiramdam ni Padilla, makaraang salakayin ng mga pulis ang kanyang bahay Biyernes ng umaga.
Ayon kay Eleazar, dumaing si Padilla na hina-highblood at nagpatawag pa ng ambulansya.
Pero ipinaliwanag ni Eleazar na magre-relax lamang sa ospital si Padilla.
Depensa naman sa abogado ni Padilla na si Atty. Raymond Fortun, nanikip ang dibdib ng kanyang kliyente na maaaring dala ng kaba dahil sa ginawang operasyon ng mga pulis.
Imbes na sa ospital, si Padilla ay dinala sa Camp Bagong Diwa sa Taguig para doon ipatingin.
May mga doktor naman sa Camp Bagong Diwa ani Eleazar, na maaaring sumuri kay Padilla.