Ronnie Magsanoc itinalagang 3×3 Basketball National Program Head ng SBP

Inquirer.Net Photo

Itinalaga ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) si Ronnie Magsanoc bilang 3×3 Basketball National Program Head.

Sa appointment na nilagdaan ni SBP President Alfredo Panlilio, nakasaad na effective immediately ang pagkakahirang kay Magsanoc na ngayong ay first assistant coach ng koponang Meralco Bolts sa PBA.

Bilang program head, si Magsanoc ang naatasang i-manage ang over-all program para sa mga 3×3 competition na sasalihan ng Pilipinas.

Kabilang sa mga nalalapit na 3×3 tournament na lalahukan ng Pilipinas ay ang FIBA 3×3 Challenger na magaganap sa Shanghai, China sa Sept. 7 hanggang 9, 2018 at ang FIBA 3×3 U23 World Cup na gaganapin naman sa Xi’An, China sa Oct. 3 hanggang 7, 2018.

Ayon sa SBP, mahalagang maihanda ang mga manlalaro ng Pilipinas para sa 3×3 Basketball para sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics.

Read more...