Naglabas na ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo ng pahayag kaugnay sa alegasyon na ibinabato sa kanilang Sanggunian ng itiniwalag na ministro na si Lowell Menorca.
Inakusahan ni Menorca ang religious group ng umano’y kidnapping at illegal detention dahil sa pagkakadetine sa kanya at maging sa asawang si Jinky Otsuka, anak na si Yurie at kasambahay na si Abegail Yanson.
Ayon sa tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala, hinihiling nito na manatiling kalmado ang kanilang mga kapatid at ipagpatuloy ang pagbibigay ng panalangin para sa kanilang simbahan.
Tiniyak ni Zabala na haharapin ng INC ang nasabing akusasyon nang may dignidad at may buong pagtitiwala sa pantay na sistema ng hustisya sa bansa.
Umapela si Zabala sa lahat ng kanyang kapwa Pilipino na maging bukas ang isipan maging ang pang-unawa at iwasan ang pagkakaroon ng kinikilingan.
Nanawagan naman ang pamunuan ng INC na maging balanse sa walang batayan na akusasyon at paratang na hindi naman nakapagbibigay ng kontribusyon sa pagkamit ng hustisya ng mga isinasangkot.
Narito ang kanilang kabuuang pahayag: “In this time of great tribulation, we ask our brethren to remain calm and continue praying for our Church.
Rest assured that the Church leadership will face all the issues with dignity and with full confidence in the fairness of our justice system.
To our fellow Filipinos, we appeal for open-mindedness, objectivity, and understanding.
We likewise call for circumspection in the face of baseless speculation and reckless accusations that do not contribute to efforts to obtain justice for all those involved”.